Naniniwala ang DFA o Department of Foreign Affairs na maaaring naiba ang takbo ng kapalaran ng OFW na si Jakatia Pawa kung pumayag lamang ang pamilya nito na magbayad ng blood money sa kanyang amo.
Sinabi ni DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na hanggang nitong mga huling buwan ng nakalipas na taon, kinukumbinsi ng kinatawan ng pamahalaan ang pamilya ni Pawa na magbigay na lamang ng blood money, pero tumanggi ang mga ito.
Kung sakali aniyang nagbayad ng blood money, posibleng naibaba ang sentensya kay Jakatia sa life imprisonment.
Nilinaw naman ni Jose na iginagalang nila ang naturang desisyon ng pamilya Pawa.
By: Meann Tanbio / Allan Francisco