Patuloy sa pagkuha ng impormasyon ang DFA o Department of Foreign Affairs partikular ang embahada ng Pilipinas sa Paris kaugnay sa terror attacks sa central district ng France.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, wala pa silang natatanggap na report na may nadamay na Pinoy sa pagsabog.
Tinatayang higit 100 ang nasawi sa 5 pagsabog sa Central District ng Paris.
Sinabi ni Jose na hindi naman kasama ang France sa APEC at napaghandaan na ng security officials ang anumang uri ng banta sa seguridad.
By Judith Larino