Ikinagalak ng Pilipinas ang pagkilala ng Amerika sa pagsisikap ng bansa sa kampanya nito laban sa human trafficking.
Ito ay matapos na muling makuha ng Pilipinas ang rank na tier 1 sa inilabas na TIP o Trafficking in Persons Report of 2017 ng US State Department.
Ayon sa DFA, pagpapatunay lamang ito na epektibo ang ginagawang pagkilos ng pamahalaan laban sa human trafficking.
Nangako naman ang DFA na ipagpapatuloy ng bansa ang pakikipagtulungan nito sa domestic at international partners para mas mapalakas pa ang laban sa human trafficking alinsunod sa pamatayan ng tip.
By Rianne Briones
DFA: Paglaban sa human trafficking nagiging epektibo was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882