Pinadali na ng Department of Foreign Affairs ang pag-a-apply para sa passport sa kanilang re-designed Online Appointment System.
Maaari ng makita ng mga passport applicant ang mga available date para sa kanilang appointment na mamarkahan ng kulay berde sa website habang pula ang mga fully booked na petsa.
Isinama rin sa appointment system ang feedback mechanism upang ipabatid sa mga aplikante kung mayroong problema sa kanilang application.
Sa ilalim ng feedback mechanism, padadalhan ng e-mail ang isang passport applicant sa loob ng dalawang araw na evaluation ng kanyang aplikasyon.
Samantala, hindi kailangang magpa-appoint ang mga Senior Citizen, Persons with Disability, mga buntis, batang edad pito pababa at Overseas Filipino Worker at maaaring gamitin ang courtesy lane basta’t mayroong identification card.
SMW: RPE