Pinag iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na babyahe patungong Iraq.
Sa inilabas na abiso ng ahensya, ito ay kasunod ng nagpapatuloy na karahasan at kilos protesta sa naturang bansa.
Ayon pa dito, mas makabubuti kung ipagpapaliban muna ang pagbyahe sa Iraq.
Kung hindi anila maiiwasan, siguraduhing huwag kukuha ng flight na madaling araw o gabi ang dating sa Baghdad, Basra at Kurdistan Region.
Ito ay dahil sa ipinatutupad na curfew hours sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, naglabas naman ng mga hotline numbers ang Embahada ng Pilipinas sa Baghdad para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa lugar.
Tumawag lamang sa mga numerong (+964) 781-606-6822, (+964) 773-569-9562 at (+964) 750-810-5240 o magpadala ng email sa baghdad.pe@dfa.gov.ph o sa facebook page ng embahada.