Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang lahat ng mga pilipinong nasa Tripoli sa bansang Libya na manataling maging alerto at maingat bunsod ng namumuong tensyon sa naturang lugar.
Sa pahayag ng DFA, pinayuhan din nito ang mga Overseas Filipino Workers na pansamantalang nagbabakasyon sa Pilipinas na kanselahin na muna ang kanilang plano na bumalik sa Libya hanggat hindi pa humuhupa ang tensyon.
Muli ring ipinaalala ng DFA sa mga pinoy ang abiso ng Philippine Embassy sa Tripoli na manatili muna sa loob ng kani-kanilang mga bahay.
Samantala, maaari namang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy ang mga pilipinong nais nang bumalik ng Pilipinas para sa agarang proseso.