Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mga Filipino sa Indonesia na maging mapagmatiyaga at iwasan muna magtungo sa mga pampublikong lugar.
Kasunod na rin ito ng serye ng mga suicide bombings sa Surabaya City.
Sa ipinalabas na pahayag ng DFA, sinabi nito na wala pa silang natatanggap na ulat na may mga Filipino ang nadamay sa insidente ng sunod-sunod na pambobomba sa Indonesia.
Tiniyak din ng DFA na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Jakarta sa mga miyembro ng Filipino community sa Surabaya at ang kanilang pagmo-monitor sa sitwasyon sa nasabing bansa.
Magugunitang, aabot sa pito ang nasawi at 40 ang nasugatan sa magkakasunod na suicide bombing sa tatlong simbahan sa Surabaya na sinasabing isinagawa ng isang pamilya kabilang ang dalawang batang babae noong linggo.
—-