Plano ng Dept of Foreign Affairs na ipawalang bisa ang pagbibigay ng visa sa mga Chinese nationals pagdating na nila sa Pilipinas.
Reaksyon ito ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na security threat ang sobrang dami ng Chinese nationals sa bansa.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Locsin na dapat magkaroon muna ng vetting o background check ang consular offices sa mga naghahangad makakuha ng visa patungo ng Pilipinas.
Dapat rin anyang mag ingat sa pag outsource ng visa application process at piliin lamang ang mga pinagkakatiwalaan na sa buong mundo.