Umalma ang DFA o Department of Foreign Affairs sa mga batikos na nagpabaya umano ito sa naging hakbang ng China sa Philippine Rise.
Ito’y makaraang pangalanan ng China ang ilang undersea creatures sa ilalim ng bahaging iyon ng karagatan na may exclusive sovereign rights sa ilalim ng UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, hindi dapat puwersa kung hindi diplomatikong pag-uusap ang kinakailangang maging tugon ng Pilipinas sa nasabing usapin.
Ganito rin aniya ang pinaiiral ng Pilipinas sa kabilang bahagi ng bansa o ang mga pinag-tatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Posted by: Robert Eugenio