Tumutok na lang sa trabaho.
Ito ang panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers o OFW’s sa Saudi Arabia sa harap ng tensiyon sa pagitan ng Iran at Saudi.
Giit ni DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, wala pa naman silang nakikitang senyales na may banta sa seguridad ng mga OFW’s sa Gitnang Silangan.
Nilinaw naman ni Jose na nakahanda ang mga embahada para alalayan ang mga Pinoy sakaling lumala ang sitwasyon.
“Yung situation sa border, ina-address na yan, marami na tayong ipinadalang quick response team na nagpunta roon para tignan ang situation at kausapin ang mga Pilipino po doon, ina-address na po yan ng ating embassy.” Pahayag ni Jose.
By Jelbert Perdez | Karambola