Hinimok ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mga Filipino sa UAE o United Arab Emirates na samantalahin na ang pinalawig na amnesty program na iniaalok ng nasabing bansa.
Magsisimula ngayong araw Agosto 1 ang tatlong buwang amnesty program ng pamahalaan ng UAE at tatagal hanggang Oktubre 31.
Ayon kay Philippine Consul General in UAE Paul Raymund Cortez, layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga dayuhang iligal na namamalagi sa nasabing bansa na maayos ang kanilang mga pasong dokumento nang wala babayarang multa at iba pang immigration penalties.
Kasabay nito, nagpasalamat naman ang DFA sa pamahalaan ng UAE sa iniaalok nitong amnesty program na mapakikinabangan ng mahigit 30,000 Filipino.
—-