Nagpaliwanag si Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Assistant Secretary Charles Jose patungkol sa pinag-usapan nina Secretary Albert del Rosario at Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Ayon kay Jose, layon ng pagdalaw ni Wang sa DFA ay para sa ginanap na bilateral talks sa pagitan ng dalawang bansa.
At ang pangalawang dahilan aniya ay upang tiyakin lamang ang attendance ng kanilang pangulo para sa APEC.
Sinabi ni Jose na nais ng Chinese Foreign Minister na tiyakin na magiging smooth, ligtas at matagumpay ang pagbisita ng kanilang Pangulo sa bansa at sa APEC.
“Nagkasundo po ang parehong panig na i-resume po ang foreign ministry consultations para mag-explore ng areas or ways para paano mapa-move forward ang ating bilateral relations although meron tayong differences dito sa South China Sea issue.” Ani Jose.
Kasabay nito, nanawagan ang DFA official sa mga magsasagawa ng pagkilos sa pagdating sa bansa ng presidente ng China.
“Hindi po natin mapipigilan ang mga kababayan natin na magsagawa ng ganyang klaseng pagkilos dahil right po nila yun, freedom of expression, so iginagalang po natin yan ang pakiusap lang po natin sana huwag maka-disrupt sa proceedings ng APEC o hindi mag-result in injury, or death or damage to properties.” Pahayag ni Jose.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita