Ipinagdiinan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sarado na ang isyu patungkol sa comfort women noong World War 2.
Sa panayam ng programang “Karambola”, sinabi ni DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na humingi na ng paumanhin ang gobyerno ng Japan sa naturang usapin at nabigyan na rin ng kompensasyon ang mga biktima.
Ang pahayag ay ginawa ni Jose, kasabay ng pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
“Ang official position po natin sa issue na ito ay ito pong comfort women ang isyu na ito ay sarado na po, unang-una doon po sa reparations treaty na sakop na rin po ang reparations para sa mga comfort women, on several occasions nagpahayag na po ng sincere apologies ang Japanese government.” Pahayag ni Jose.
By Meann Tanbio | Karambola