Umapela si Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Alan Peter Cayetano sa sambayanang Pilipino na magtiwala sa Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ginagawa nitong hakbang ukol sa West Philippine Sea at patuloy na pakikipagmabutihan sa China.
Ayon kay Cayetano, makailang beses nang nanindigan ang pangulo na bibigyang proteksyon nito ang territorial integrity ng bansa at naniniwala itong tutuparin ito ng punong ehekutibo.
Kasabay nito, nanawagan si Cayetano na bigyan ng laya at magtiwala lamang sa kung papaano ito isasakatuparan ng Pangulong Duterte.
Matatandaang binabatikos ang Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi nito paggiit sa ruling ng permanent court of arbitration.
Nilinaw ng pangulo na maliwanag sa China ang posisyon ng Pilipinas ngunit nagbanta aniya ang China na makikipagdigmaan kung patuloy na igigiit ng Pilipinas ang teritoryong inaangkin din ng Beijing.
By Ralph Obina
DFA Sec. Alan Cayetano umapela na magtiwala sa Pangulo hinggil sa ginagawang hakbang sa WPS was last modified: May 22nd, 2017 by DWIZ 882