Walang makapipigil sa mga Pangulo o punong ministro kung magiging “bastos” ang mga ito sa mga opisyal ng International Human Rights Body.
Ito ang paniwala ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa gitna ng hamon ni United Nations High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa psychiatric evaluation.
Ayon kay Cayetano, ang mga Head of State ang pinakamataas na opisyal kaya’t maaari nilang ipaglaban ang kanilang mga mamamayan sa kahit anong paraan taliwas sa mga ranking official ng international human rights bodies.
Ipinunto ng kalihim na magkaiba ang lebel ng mga Head of State sa mga mataas na opisyal ng isang international body kaya’t hindi maaaring basta batikusin ng UNCHR si Pangulong Duterte o kahit sinumang Head of State.
—-