Nakatakdang tumulak patungong South Korea si DFA o Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ito’y para personal na harapin ng kalihim ang Filipino community sa naturang bansa sa kasagsagan ng tensyon sa Korean Peninsula.
Kasunod nito, umapela si Cayetano sa mga Pinoy sa SoKor na manatiling mahinahon at ugaliing makinig sa mga abiso ng mga otoridad doon.
Gayunman, hindi pa makumpirma ni Cayetano kung kailan siya tutulak sa SoKor at kung hanggang kailan siya mananatili sa naturang bansa.
Mga embahada at konsulada sa SoKor at Guam pinagsusumite ng ulat
Tiniyak ni Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez ang regular na pagsusumite ng ulat sa DFA o Department of Foreign Affairs.
Kasunod ito ng atas Ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa harap na rin ng bantang pagpapakawala ng missile ng North Korea.
Maliban kay Hernandez, inatasan din ni Cayetano si Consul General Marciano De Borja sa Agana, Guam na gumawa rin ng kahalintulad na hakbang.
Batay sa pagtaya ng DFA, aabot sa mahigit 65,000 ang mga Pilipinong naninirahan at nagta-trabaho sa South Korea habang nasa 43,000 naman ang mga Pinoy sa Guam.