Hinimok ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang Pyongyang na idaan sa mapayapang resolusyon ang tensyon sa Korean Peninsula.
Ito ay makaraang mabahal ang gobyerno ng Pilipinas sa panibagong ballistic missile launch ng North Korea.
Ayon kay Cayetano, bilang Chair ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations, handa ang lahat ng miyembro ng ASEAN na makipagtulungan upang maabot ang pang matagalang kapayapaan sa North Korea at South Korea.
Ngunit hindi aniya posible ang anomang negosasyon hangga’t hindi itinitigil ng Nokor ang kanilang mga nuclear threat.