Magiging kinatawan ng Pilipinas si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa idaraos na leaders’ summit sa pagitan ng Estados Unidos at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na Linggo.
Kinumpirma ito ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, makaraang magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa naturang summit dahil sa panahong iyon ay mayroon nang bagong pangulo ang bansa.
Una na ring sinabi ng punong ehekutibo na hindi mainam kung magtungo pa siya sa Amerika lalo’t malinaw na may papalit na sa kanya.
Si US President Joe Biden ang magiging host ng special summit na gaganapin mula Mayo 12 hanggang 13 sa Washington, DC.