Mismong si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang tahasang nagpapaalis na sa mga barkong pangisda ng China na nasa Julian Felipe Reef.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng Chinese Foreign Ministry na wala silang planong manatili sa nasabing lugar.
Sinabi ni Locsin na dinudumihan lamang ng Chinese vessels ang tubig ng nasabing bahura na posibleng ubos na rin ang mga isda sakali ngang nangingisda ang mga ito sa area.
Una nang iginigiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na sakop ng kanilang teritoryo ang Julian Felipe Reef.