Iginiit ni Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na hindi niya alam na gusto na siyang palitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.
Sinabi ni Yasay na wala siyang natatanggap na kautusan mula sa pangulo na papalitan na siya bilang kalihim ng DFA.
Gayunpaman, naniniwala si Yasay na dapat siyang manatili sa pwesto kahit ngayong taon lang kung maayos naman ang kanyang pagtatrabaho.
Makaaapekto, aniya, sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN kapag pinalitan agad ang Foreign Affairs secretary ng bansa.
Matatandaang bago pa man tanggapin ni Yasay ang posisyon, nagpahayag si Pangulong Duterte na ang natalo niyang running mate na si Senador Alan Peter Cayetano ang itatalaga niya bilang DFA secretary.
By Avee Devierte