Napatunayan ng ASEAN o mga bansang kasapi ng Southeast Asian Nations na mali ang kanilang mga kritiko.
Ito ang binigyang diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa closing ceremony ng 50th ASEAN Foreign Minister’s Meeting.
Ayon kay Cayetano, sinasabi noon ng mga kritiko ng ASEAN na babagsak at mabibigo lamang ang mga hangarin ng rehiyon.
Gayunman, makalipas aniya ang 50 taon ay nagtagumpay ang ASEAN na gawing mapayapa, matatag at maunlad ang rehiyon.
But who could blame the critics at that time? Similar regions with fire less problem and end up with conflict yet the ASEAN found its way.
As we celebrate and rejoice we cannot help but have both ascends of unease and ascends of hope for the next 50 years.
Samantala, pinasalamatan naman ni Cayetano ang foreign ministers na nakipagkasundo aniya para makabuo ng joint communique.