Nangunguna pa rin si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa pinakamayamang miyembro ng gabinete ng Aquino administration habang si Department of Education Secretary Armin Luistro ang may pinakamababang networth.
Ito ay batay sa nakasaad sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SAL-N na isinumite sa Office of the Ombudsman.
Nakapagtala si del Rosario ng kanyang kayamanan na P838.8 million pesos.
Samantala, si Education Secretary Armin Luistro naman ay nagtala ng kanyang networth na P471,000.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)