Hiniling ng ilang mambabatas ang pagbibitiw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa ngalan ng delicadeza.
Ayon kay OFW Partylist Representative John Bertiz, malinaw namang tinalikuran na ni Yasay ang pagiging Pilipino nito makaraang aminin mismo ng kalihim na may hawak siyang US passport.
Giit ng mambabatas, dapat magkaroon ng kahihiyan si Yasay sa kanyang sarili at hindi na dapat nito hinihintay na sibakin pa siya ng Pangulo.
Para naman kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, kahihiyan lamang ang idinulot ni Yasay sa mga Pilipino sa mata ng international community dahil hindi isang Pilipino ang kumakatawan sa Pilipinas.
By Jaymark Dagala