Sisikapin ng Department of Foreign Affairs na mapagkalooban ng full liberty si Mary Jane Veloso sa panahon na makabalik ito sa Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, hindi sila pabor na mahatulan ng pang habangbuhay na pagkakakulong si Veloso.
Sinabi rin ni Usec. de Vega, wala pang tiyak na petsa kung kailan makakauwi si Veloso ngunit posible na itong mangyari bago ang darating na Pasko.
Dagdag pa ng DFA official, posibleng mapagkalooban ng clemency si Veloso.