Sumuko na ang Department of Foreign Affairs (DFa) na maabot ang target na bilang ng mga boboto sa overseas voting.
Dahil dito, sinabi ni DFA Undersecretary Rafael Seguis na ibinaba na nila sa kalahating milyong botante ang dating isang milyon na target nilang makaboto sa overseas voting.
Hanggang nitong April 28, nasa labing apat at kalahating porsyento pa lamang ng 1.37 million registered voters sa ibayong dagat ang nakakaboto.
Muling nanawagan ang DFA sa mga rehistradong botante na nasa ibayong dagat na bumoto at gamitin ang kanilang karapatang mamili ng mga magiging lider ng bansa.
Nagsimula ang absentee voting noong Abril 9 at magtatapos sa Mayo 9, ang araw ng pormal na eleksyon sa Pilipinas.
By Len Aguirre