Dumistansya ang DFA o Department of Foreign Affairs hinggil sa kung paano magpapaliwanag ang Pilipinas sa European Union (EU) kaugnay sa mga bagong birada ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose makaraang kumpirmahin ang pagpapatawag ng EU kay Philippine Embassy to Brussels Charge d’affairs Alan Deniega.
Ayon kay Jose, nagbigay na sa kanila ng buong ulat si Deniega ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye hinggil dito.
Magugunitang pumalag ang EU sa mga birada ng Pangulo dahil sa aniya’y pakikialam nito sa mga usaping panloob ng bansa partikular na sa war on drugs at pagbabalik ng death penalty.
By Jaymark Dagala