Tali ang kamay ng DFA o Dept of Foreign Affairs sa kalagayan ng humigit kumulang sa tatlongdaang libong Pilipino na illegal na naninirahan at nagtratrabaho sa Estados Unidos.
Ayon kay Assistant secretary Charles Jose, spokesman ng DFA, personal ang pagsasa-ayos sa mga kailangang dokumento kaya’t walang magagawa dito ang gobyerno.
Bukod dito, mayroon aniyang direktiba ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat maki-alam ang gobyerno sa kampanya ni US president Donald Trump laban sa illegal immigrants.
Gayunman, kumbinsido si Jose na hindi prayoridad ng kampanya ni Trump ang US dahil mayorya naman anya sa mahigit 3.4 million na Pilipino duon ang sumusunod sa batas.
By Len Aguirre