Tiniyak ng DFA o Department of Foreign Affairs na magiging milestone ang pagdiriwang ng 50th anniversary ng ASEAN Ministers meeting na gaganapin simula ngayong araw na ito hanggang sa August 8.
Ayon kay DFA Spokesman Robespierre Bolivar itinakda sa August 8 ang grand celebration ng 59th ASEAN anniversary kung saan inaasahan ang landmark lighting ng CCP.
Bukod sa ASEAN meetings ipinabatid ni Bolivar ang related meetings tulad ng ASEAN Plus 3 kasama ang China, Japan at Korea East Asia Summit, ASEAN Regional Forum at Post Ministerial Conferences kung saan makikipag pulong ang ASEAN sa 10 dialogue partners.
Pangungunahan naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng ASEAN ministers meeting sa Sabado, August 5.