Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA Na tutugon ito sa pahayag ni Senadora Grace Poe na dapat magpaliwanag ang ahensya kaugnay ng delayed o mabagal na pagproseso ng mga passport.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman at Assistant Secretary Charles Jose, ang office of consular affairs at ang supervising undersecretary for consular matters ang nakatutok sa pagpapaliwanag kay Poe hinggil dito.
Tutugon anya ang DFA kay Poe pero hindi sa pamamagitan ng media kundi sa personal na pakikipag-dayalogo sa pagitan ng dalawang tanggapan.
Magugunitang inihayag ng Senador na hindi katanggap-tanggap ang nangyayari sa sistema ng passport appointment dahilan upang maging mabagal ang pagproseso.
By: Drew Nacino / Allan Francisco