Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipinong nadamay sa walang habas na pananaksak sa Finland na ikinasawi ng dalawa katao.
Ayon kay DFA secretary Alan Peter Cayetano, walang Pilipino ang napabilang sa apat na foreign national na nasugatan sa insidente.
Kasabay nito, mariing kinondena ni Cayetano ang naturang pangyayari na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Pinayuhan naman ni Cayetano ang mga Pinoy sa Finland na manatiling mapagmatyag at agad na sumangguni sa honorary consulate general sa Helsinki o sa embahada ng Pilipinas sa Oslo, Norway sa oras ng anumang kaguluhan.
Sa tala ng DFA, aabot sa tatlong libo at limandaang Pinoy ang nasa Finland.