Tiniyak ngayon ng Department of Foreign Affairs o DFA na walang pinoy na naapektuhan sa panibagong opensiba na inilunsad ng Syrian army laban sa islamic militants sa Damascus, Syria.
Sa ibinigay na impormasyon ni Chargé d’affaires Alex La Madrid sa DFA, masusing naka-monitor ang Philippine Embassy sa Damascus sa nangyayaring kaguluhan doon para masiguro ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
Sinabi din ng embahada ng Pilipinas sa Syria na aabot pa sa isang libong OFWs ang patuloy na nananatili ngayon sa naturang bansa.
Wala rin umanong humpay ang artillary at mortar exchanges ng magkabilang kampo sa kabila ng report na nagpahayag na ang islamic militants na susuko sa darating na biyernes.
Base sa ulat, apat na sibilyan na ang nasawi at 52 naman ang nasugatan nang magsimula ang operasyon sa Yarmouk Camp noong nakalipas na linggo.