Muling tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang Filipinong nadamay sa serye ng pag-atake sa Paris.
Gayunman, sinabi ni DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na mayroong mga Pinoy doon ang nagulantang sa tindi ng pagsabog kung saan sa sobrang lakas ay yumanig ang kanilang mga bintana.
Samantala, inanunsyo rin ng DFA na maaaring kontakin ng mga Pinoy sa France ang embahada ng Pilipinas sa Paris sa pamamagitan ng kanilang emergency number na 06 20 59 25 15.
Bukas na rin anila ang special telephone line ng bansang France para sa mga pamilya na biktima ng pag-atake na nangangailagan ng tulong at maaaring tumawag sa 0800 40 60 05.
By: Meann Tanbio I Allan Francisco