Kumpiyansa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na masosolusyunan ng gobyerno ang tanim bala modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang press conference, sinabi ni DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na iniimbestigahan na ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang insidente.
Hindi naman nakikita ni Jose na nakasasagabal ang naturang modus sa nalalapit na APEC Summit.
Umaasa ang DFA official na bago mag-Pasko, tuluyan nang masasawata ang tanim bala modus sa NAIA.
By Meann Tanbio | Allan Francisco