Wala pang inilalabas na travel ban ang Pilipinas para sa mga Pinoy na nagbabalak tumungo sa South Korea.
Ito’y kasunod na rin ng biglaang pagsipa ng kaso ng mga tinatamaan ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS virus.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, hindi pa kinakailangan para magpalabas ng travel ban bagama’t wala pa namang Pinoy na apektado ng sakit sa nasabing bansa.
Gayunman, hinimok ni Jose ang mga Pinoy sa South Korea na gumawa ng mga hakbang at mag-ingat para hindi mahawaan ng nakamamatay na sakit.
By Jaymark Dagala