Umaasa ang Department of Foreign Affairs o DFA na gagawing prayoridad ni dating Pangulong Fidel Ramos ang kalagayan ng mga mangingisda sa pinagtatalunang karagatan sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ng DFA kasunod na rin ng pagtulak ng dating Pangulo patungong China bilang special envoy ng Pilipinas sa ikinasang diplomatic talks.
Ayon kay DFA spokesman Asst/Sec. Charles Jose, dapat pag-usapan ang sitwasyon ng mga mangingisdang pinoy na namamalakaya sa pinagtatalunang teritoryo.
Nabatid na kahit nakakuha na ng paborableng desisyon ang Pilipinas mula sa Permanent Court of Mgrbitration, patuloy pa ring pinagbabawalan ng China ang mga mangingisdang Pinoy na maghanap buhay sa nasabing karagatan.
By: Jaymark Dagala / (Reporter No.25 ) Allan Francisco