Umaasa ang DFA o Department of Foreign Affairs na hindi maaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.
Inihayag ito ni DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, kasunod ng pagpatay sa koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Ayon kay Jose, nakikipag-ugnayan na sila sa South Korean embassy hinggil sa insidente.
Muling iginiit ng opisyal na random case lamang ang nangyari kay Jee.
By: Meann Tanbio