Nagtalaga na ang Pangulong Rodrigo Duterte ng acting secretary sa DFA o Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pansamantala munang magiging kalihim ng DFA si Undersecretary Enrique Manalo na isang career official hanggang hindi pa nakakapag appoint ang Pangulo ng bagong kalihim ng DFA.
Magugunitang ibinasura ng committee on environment ng commission on appointments ang appointment ni DFA Secretary Perfecto Yasay dahil sa kinukuwestyong US citizenship nito.
Malakanyang wala pang impormasyon kung bibigyan ng ibang pwesto sa gov’t si Yasay
Wala pang impormasyon ang mga opisyal ng Malakanyang kung bibigyan ng ibang puwesto sa gobyerno si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay matapos hindi makalusot ang kanyang sa commission on apointment.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi napag-uusapan sa gabinete ang posibilidad na ilagay sa ibang puwesto si Yasay.
Nasa pagpapasya na anya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bibigyan ng ibang posisyon ang kalihim.
Nabigong makumpirma ng CA si Yasay dahil sa kuwestiyon ng kanyang citizenship.
Una ng inihayag ni Pangulong Duterte na hindi naman talaga magtatagal si Yasay sa DFA dahil pinakiusapan lang niya ito na pangasiwaan ng kahit isang taon ang kagawaran habang hindi pa natatapos ang election ban sa mga kumandidato noong nakalipas na eleksyon.
By Judith Larino / Drew Nacino |With Report from Aileen Taliping