Wala pa ring opisyal na pahayag ang Dept. Of Foreign Affairs o DFA hinggil sa panibagong kaso ng pagdukot ng Abu Sayyaf sa ilang Indonesians.
Ito’y kahit na una nang kinumpirma ng Armed Forces of the Phils. o AFP ang panibagong insidente na kinasasangkutan ng bandidong grupo.
Sinasabing hindi rin umutugon si DFA Spokesperson Asst. Sec. Charles Jose sa tanong ng media tungkol sa naturang usapin.
Ngunit una nang inihayag ng isang opisyal ng DFA na tumangging magpabanggit ng pangalan ang pagdukot sa 7 Indonesians ng Abu Sayyaf.
Paliwanag ng Phil. Envoy, alam na ito ng pamunuan ng DFA dahil sa katunayan umano ay tumawag kay DFA Sec. Jose Rene Almendras ang Ministro ng Indonesia hinggil dito.
By: Jelbert Perdez