Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA na walang nadamay na Pinoy sa sunog na nangyari sa isang ospital sa Saudi Arabia kung saan nasa 25 katao ang nasawi at marami ang nasugatan.
Sinabi ni DFA Assistant Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng ahensya na batay sa kanilang natanggap na inisyal na report ay wala ngang Pinoy casualties sa insidente.
Aniya sa kanilang natanggap na report, pawang mga bed-ridden patients ang kasama sa mga casualties.
Nasa 20 OFW’s aniya ang nagtatrabaho sa naturang ospital.
Gayunman, sinigurado ni Jose na biniberipika pa rin ng embahada ng Pilipinas sa Saudi ang nasabing report.
By Allan Francisco