Nananatili sa 11,244 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito’y dahil wala silang naitalang kaso sa nakalipas na 24 na oras.
Sa kasalukuyan, nasa 3,148 ang aktibong kaso kasunod ng paggaling ng 7,279 na pasyente habang nananatili sa 817 ang death toll sa hanay ng mga Pinoy sa labas ng bansa.