Hindi naman nagbago ang datos kahapon, Enero 9, walang bagong napaulat na nagpositibong overseas Pinoys sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 13,018 pa rin ang mga kumpirmadong kaso ng corionavirus mula sa mga Pinoy abroad.
Wala ring bagong napaulat na gumaling at nasawi kung kaya’t 8,460 pa rin ang naka-recover, 934 din ang pumanaw sa nakakahawang sakit.
Sa nabanggit na bilang, 3,624 ang mga aktibong kaso o kasalukuyan pang nagpapagaling. —sa panulat ni John Jude Alabado
10 January 2021
Similar with yesterday’s report, the DFA reports no updates on COVID-19 cases among Filipinos abroad today. (1/3)@teddyboylocsin pic.twitter.com/BQSQfsFTSL
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 10, 2021