Walang passport-related appointments sa Setyembre 25.
Ito, ayon sa Department of Foreign affairs o DFA, ay dahil idineklara na itong regular holiday bilang pakikiisa sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga kapatid nating muslim.
Sa advisory ng DFA, para sa mga nauna nang nagpa-appointment sa araw na iyon ay gagawin na ito sa Setyembre 21 hanggang 24 at Setyembre 28 hanggang Oktubre 2.
At para naman sa mga may mga katanungan hinggil sa passport, maaari silang mag-email sa passportconcerns@dfa.gov.ph.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco