Walang Pinoy na nasaktan o namatay sa pagtama ng magnitude 6.4 na lindol sa silangang bahagi ng Lombok, Indonesia noong nakalipas na linggo.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA batay sa ibinigay na ulat ng embahada ng Pilipinas sa Jakarta na nasa ligtas na kalagayan ang nasa dalawandaan at limampung (250) Pinoy sa Lombok.
Patuloy naman ang ginagawang pagmo-monitor ng DFA sa sitwasyon ng mga Pilipino na nananatili sa nasabing lugar.
Una rito, nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng lindol.
Batay sa pinakahuling ulat, 17 ang naitatalang nasawi sa nasabing pagyanig habang nasa higit 1,000 kabahayan naman ang nawasak ng lindol.
—-