Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na walang Pinoy na nasugatan sa pamamaril at pambobomba ng mga hinihinalang terorista sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, mismong ang embahada na ng Pilipinas sa Jakarta ang nagsabi sa kanya na walang mga Pinoy na casualty o nadamay sa pagsabog.
Sa kabila nito, sinabi naman ng ilang Overseas Filipino Workers o OFW doon na nagimbal sila sa naturang pag-atake lalo’t bihira sa Jakarta ang karahasan.
“Karamihan po ay Indonesians at kinumpirma po ng ating embassy sa Jakarta na walang kabilang na mga Pilipino sa casualties. Marami pong mga opisina dito, embassies at UN offices dito sa lugar na ito na pinangyarihan. Ayon sa pahayag ng Indonesian authority, terrorist attack pero hindi pa nila tinutukoy specifically kung sino ang responsible, pero it’s an act of terror ayon sa Indonesian government.” Pahayag ni Jose.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita