Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa pag-atake sa Tunisia at Kuwait.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, ito ay batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Tripoli.
Sa pinakahuling tala, umabot sa 39 ang bilang ng nasawi sa pag-atake sa Tunisia, habang hindi naman bababa sa 25 ang nasawi sa Kuwait.
Ang dalawang pag – atake ay inako ng grupong ISIS.
By Katrina Valle