Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang kauna-unahang kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na si Secretary Eduardo Del Rosario.
Ito ay matapos ng serye ng pagsalang at pagharap nito sa committee on urban planning, housing and resettlement ng CA na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino.
Ayon sa isang miyembro ng CA, nakakuha si Del Rosario ng maraming boto mula sa mga senador at kongresista kaya ito nakumpirma.
Sinabi naman ni Del Rosario na magsisilbing hamon ang kanyang kumpirmasyon para mahusay na mapamunuan ang programa sa pabahay ng pamahalaan.
Target aniya ng pamahalaan na makapagtayo ng hjanggang 6.4 na milyong housing units sa pagsapit ng 2022.
Bago makumpirma, pinagpaliwanag si Del Rosario sa ilang mga isyu tulad ng Marawi rehabilitation at saka nagsagawa ng executive session ang mga miyembro ng CA para mag-secret voting.