Tiniyak ng Department of Human Settlements and Urban Development na kukumpunihin at tatapusin nila sa loob ng taong ito ang mga Yolanda housing units na hindi okupado at nabubulok sa Region 8.
Ito ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ay matapos makita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nasabing depektibong bahay sa Leyte.
Dagdag pa ni Secretary Acuzar, nauna na silang naglabas ng 176 million pesos sa Local Government ng Tacloban upang masimulan agad ang rehabilitasyon ng mga nasirang pabahay at magdadagdag pa aniya sila ng 167 million pesos upang tuluyan nang matapos ang nasabing rehabilitasyon.
Sinabi naman ng Kalihim na habang inaayos ang mga depektibong housing units, magpapatuloy pa rin ang pagpo-proseso at pag-a-award ng mga units sa mga benipisyaryong nawalan ng tirahan bunsod ng pananalasa ng bagyong Yolanda. – Sa panulat ni John Riz Calata