Hindi bababa sa 33 katao ang patay sa India matapos ang matinding pagbaha dulot ng malalakas na ulan.
25 dito ay mula sa lungsod ng Maharashtra at 8 naman ay sa Karnataka.
Aabot naman sa humigit kumulang isang daan at walumpung libong katao ang sapilitang inilikas dahil sa pagbaha.
Bukod sa matinding pag uulan ay isa rin sa naging sanhi ng pagbabaha ang pag apaw ng mga ilog at pagpapalabas ng tubig ng mga dam.
Ayon kay Chief Minister Yediyurappa, humingi na sila ng tulong mula sa central goverment para ma-irescue ang mga residente na na-stranded dulot ng pagbabaha.
Suspendido na rin ang mga pasok sa lahat ng antas ng paaralan simula pa nung Lunes.
Pinagiingat naman ng mga opisyal ng Kerala weather ang mga residente dahil nakataas ang ‘red alert’ at sinabing makakaranas pa ng matitinding pagulan sa mga susunod na araw.