Patay ang hindi bababa sa apat (4) katao habang nasa siyam (9) ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong bus at van sa Quezon Province.
Batay sa ulat, naganap ang aksidente sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Mal-ay, bayan ng Lopez kung saan binangga ng P&O Transport Bus ang isang van at mga nakaparadang tricycle.
Nabatid na sakay ng van ang isang pamilya na papunta sanang Bataan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.