Hindi na papapasukin sa mga mall para makapag-dine-in ang mga indibidwal na hindi bakunado laban sa COVID-19.
Ito ang binigyang diin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kung saan maraming dining establishments ang humihingi ng COVID-19 vaccination cards.
Ayon kay Año, mas mainam na sa entrance pa lamang ay tinitignan na kung mayroong vaccination card ang isang indibidwal upang sa loob ng mga dining establishment ay mapigilan na ang pagpasok ng mga unvaccinated individuals.
Matatandaang, nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang taong gulamng na galing umano sa isang mall ngunit itinuring ito ng Department of Health (DOH) na isolated case.